Criticism Guidelines

Maligayang pagdating sa RPC Authority at sa RPC Authority Philippines! Kung nagbabasa ka nito, ibig sabihin nandito ka para makikita ang mga gabay ng ating komunidad sa pagbibigay at pagtanggap ng kritiko. Ang pagkritEventsamahalagang parte ng proseso ng pag-gawa ng Draft na artikulo-huwag kalimutan, ang Pangkat ng mga Nagkukura ay nagboboto para burahin ang mga artikulong nakita nila na hindi na kritiko sa mga forum.

Para magiging mahalaga ang pagkritiko, kailangan magbibigay ng malinaw na mga halimbawa at paglilinawan kung anong maling ginawa ng may akda. Kahit ito ay para sa konteksto, premiso, o pag-gagawa ng isang artikulo, ang pagkritiko ay palaging tinatanggap ng mahusay. Ito ay nakakatulong din sa pagsasabi ng isang may akda kung ano ang ginawa nilang tama.

 Mga bagay dapat isipin kung magbibigay ng kritiko.

  • Huwag hayaan ang naunang kasaysayan na mayroon ka sa isang artikulo ng may akda na makialam sa iyong kakayahan na magbibigay ng nakakatulong na kritiko. Nandito ka para magpaunland, hindi magpapasira. Ilan sa mga may akda maaaring magkakaroon ng parehong pagkakamali o sari ng mga pagkakamali- huwag hawakan iyon sa kanila, gamitin ito bilang halimbawa para makakatulong sa pagpapaunlad sa kanila.
  • Habang libre kang magbibigay ng opinyon sa isang artikulo, basta magaang magbigay ng opinyon na magpapakita ng konting gamit na nakakatulong sa may akda. Ang pagsasabi ng mga bagay tulad nang: "Hindi ko ginusto ang artikulo dahil ang logong panayam ay mahina" ay puwede, pero aasahan mo na hindi gaano karami ang pagbabago sa isang artikulo. Paalalahin mo, ang tinutukoy mong pagkritiko ay isang sari ng kritiko na puwede mong kikilusan- ang iyong pagkritiko hindi kailangan magiging isang puno't-mahabang pagsusulat, bigyan na malinaw katulad sa inyong iniisip na kung ano dapat isalin at paano mong ipahiwatig ang pagbabagong iyon.
  • Hindi mo na kailangan pigilan ang pagiging marahas kapag pumunta sa ilang artikulo. Misan, ang "mapait na katotohanan ay kailangan para makakatulong sa isang artikulo na makakilos sa unahan at magunlad. Palaging isipin, may pagkakaiba sa pamamagitan ng pagiging marahas at sa pagiging puwet. Ilang halimbawa ng pagiging puwet ay:
    • Ang pagatake ng isang may akda ng personal kaysa sa nilalaman ng artikulo. Ito ay paraang: "Mababang uri ang artikulong ito, at isa kang tanga sa pagsulat nito"

 * Ang pag hindi namang kailangan magiging sobrang-dramatiko at parunggit kapag magkritiko. Halimbawa nito ay "Pagkatapos nito kinain ng nakakatakot ang pinageksamen na paksa? Grabe! Sobrang orihinal!"

  • Minsan, ang may akda magsagot sa iyong kritiko, at maaari niyang pagkritiko ang iyong kritiko. Kapag nangyayari ito, maging magalang at pagtratohin ito bilang isang mahilway na paguusap. Maaaring sila ay nagpapahayag ng mga punto tungkol sa dipagkakaintindihan o maling impormasyon
  • Habang wala namang mali sa pagmamayari ng sariling pagpilian, huwag subukan ipasunod ang inyong paniniwala na kung-ano-dapat-gawin. Ang mga tao ay libreng pumili ng kahit hindi nila gustong gumamit ng sandbox, o kung gusto nilang sumulat ng isang artikulo gamit ng isang nakatanging estilo. Ang wiki na ito ay nagbibigay ng sobrang kalinawan sa kalayaan kapag pumunta ito sa kung ano dapat gawin ng mga may akda sa kanilang mga artikulo, habang nakapasok ito sa loob ng batas at mga gabay. Ang menor lang na babala nito ay ang kanon ng site, na nandoon sa proseso sa pagpoporma- madaming puwang sa loob ng kanon para magiging malikhain, pero kung nakita mong isang bagay na nasa labas ng sa kaliwang-larangan (Ang Awtoridad na tiyak sa pagiging responsable para sa kinalalabasan ng medyor na daigdigang pinangyayari, o nagmamay-ari ng awanggang mga pinagkukunan, sa halimbawang ito), maging libre para tawagin ang may akda para sa mga ganun na bagay- sa loob ng konstruktibo at paggalang na paraan naman.
  • Huwag mabala kapag magbigay ng kritiko sa isang masikat o sanay na miyembro. Kailangan din nila ang kritiko sa artikulo pareho din naman sa isang baguhan, at magugustuhan ito ng lahat ng sama-sama. Pumupunta din ito sa mga baguhan. Huwag magiging hambog sa sarili o sumang-ayon sa mga bagong miyembro dahil sa kanilang araw ng pagsasali. Kung may mali sila, maghandog ng paliwanag kung bakit sila mali.
  • Huwag balewalain ang kritiko ng mga tiyak na mga tao na bumabase sa labas ng nilalaman na hinde sila "eksperyensyado" kapareho sa mga "magaling" na mga manunulat. Ang mga baguhan may kakayahan na magbibigay ng magandang kritiko pareho din sa mga sanay na miyembro.

Pareho din sa mga papaano na mga gabay para sa pagbibigay ng kritiko, may mga gabay din sa pagtatanggap ng kritiko. Dalawa sila kapareho, sa pakiramdam na pareho silang may nakasali sa pagiging magalang at tapat habang nandiyan, pero may mga pinagkakaiba ito at kailangan susundin ng mga may akda.

 Mga bagay na dapat tandaan kapag tumatanggap ng kritiko

  • Magiging magalang sa lahat ng oras, kahit ikaw ay binigyan ng kritiko na hindi ka sumang-ayon. Ang mga tao ay nagbibigay ng kritiko sa sarili nilang oras para sa pagbibigay sa iyo ng tulong, kaya kahit nakita mo ang kritiko na binigay sa iyo ay masama, kailangan mong itataguyod ang magandang ugali.
  • Magiging kusa sa pagsalin ng iyong artikulo para magagawa itong magunlad para sa iba. Habang maaaring may sarili kang ideya kung ano ang pinakamahusay sa iyong artikulo, ang iba may kakaibang ideya. May mga kaso na kailangan mong babuhin muli o minsan ang malalaking aspeto, ng iyong artikulo upang magunlad. Kapag mangyari ito, kailangan kusa kang sumunod kung ano gusto ng karamihan, kung hinde ang mga reto ng iyong artikulo ay magugustuhan ng konti.
  • Magiging kusa sa pagayos ng draft. Minsan nakakatukso kumuha ng konting kritisismo at itapon ang draft sa arkibo. Ito ay nagaalab ng damdamin at nakakatuwa, pinagtatrabahuan mo ay napahayag sa arkibo. Pero kung may oras ka at enerhiya, laging mahalagang humanap ng bagong perspektibo at madaming kritiko- hinde man ikaw makagawa ng maipapasaya ang iba kung anong meron ka, pero kahit kaunti nagbibigay ito saiyo ng magandang ideya na kung ano ang pinakamagaling na ideya kung ano makukuha ng tao galing sa iyong artikulo.

Tandaan, habang ang mga gabay na ito ay hinde batas, pinagtitibayan namin na sumunod ka dito para siguraduhing ang pagharap sa gitna ng may akda at ang nagbibigay kritiko mapupunta sa mahilway hanggang sa maaari. Kapag may mga tanong ka dito, libre kang magbigay ng komento sa loob ng discussion thread, o mensahiin ang isang miyembro ng ating mga nagmamahala.

Unless otherwise stated, the content of this page is licensed under Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 License