Introduksyon
Maligayang pagdating sa RPC Authority Philippines Wiki! Kami ay maligaya na makikita kang kasali sa ating pambihira na proyekto sa pagsusulat at gabay na masisiyahan ka sa pagpananatili ninyo dito.
Lahat ng trabaho na nakakore dito sa loob ng wiki na ito, o hinde kayay nasasabi, ay trabaho ng kathang-isip lamang. Hinde ito isang site para sa mga pagpanggap. Ang Awtoridad ay hinde totoo. Ang mga bagay na RPC ay hinde totoo.
Ikaw ay bumabasa sa Gabay para sa mga Baguhan, ang inyong introduksyon sa palaasalan at mga pamantayan. Gayon man nakita mo ang sarili mo dito, kami ay nagbabati sa inyo bilang miyembro at isang maaaring akda ng mga RPC at mga kuwentong nakasalalay sa RPC at dokumento.
Magsimula tayo mula sa simula; kung paano kumilos galing sa pagiging nagbabasa hanggang sa pagiging miyembro ng site.
- 1. Kailangan mong gumawa ng kwenta (account) sa Wikidot. Pupunta dito here para maka gawa ng kwenta.
- 2. Kahit may Wikidot Account, hinde ka pa miyembro ng RPC Authority Philippines site. Para sumali sa site, pumunta dito at sumulat ng iyong aplikasyon. Para ma-approve ang iyong aplikasyon, sumunod sa lahat ng gabay sa Sumali sa Site. Nakasali dito ang pagbabasa ng guide dito, kaya maganda ang pagsisimula mo. Kakailanganin mong bumasa lahat ng mga tabs sa pahina na ito bago sumali sa site.
- 3. Pagktapos mong naubos ang lahat na hakbang sa itaas, maghihintay ng ilang araw para iproseso ang iyong aplikasyon. Pagkatapos ma kumpermahan, maaari ka nang maghalaga ng mga pahina, makakita ng mga may akda, makakita ng mga pagbabagong nahigit sa oras, mag-edit ng mga pahina, at makapasa ng artikulo.
Kung interesado kang sumali sa chat o pagsusulat para sa site, makikita mo ang karagdagan pang mga pahina na nakaugnay dito para makatulong sa iyo.
Inaasahan namin na malaman mo na dapat mong malalaman ang Pamamahala ng Site bago magkore ng mga komento, at inaasahan namin ikaw na basahin ang aming Formatting Guide bago sumulat ng mga artikulo
KUNG IKAW AY NASA PAHINA NA ITO PARA MAG APPLY PARA SA SITE, PAKI-BASA ANG LAHAT NG TAB SECTIONS SA PAHINA NA ITO. Para umugit sa pahina na ito, i-scroll pa itaas at i-click o i-tap ang ibang tab. (Ang susunod na tab ay ang "Site Behavior," kung makakatulong.)
Kung ikaw ay bumasa para magiging miyembro ng site, ang pagtatapos ng isang tab na ito ay hindi sapat. Ang inyong aplikasyon ay pabulaanan kung ang binasa mo lang ay ang seksyon na ito.
Pag-uugali sa Site
Ang Pamamahala ng Site ay may nakalagay na maigsing lista ng mga bagay na puwede mong gawin, at mga bagay na dapat hindi mong gawin. Gayon man, ang RPC Authority at RPC Authority Philippines ay isang komunidad ng mga manunulat, at walang lista na mahirap-at-mabilis na rulyo na magtuturo sa inyo ng mga paraan ng pagpulong. May ibang ugali na nagpapayamot ng iba; hindi mo maaaring, sa kasabihan na, ikalugod ang iba. Meron, gayon man, mga ugali na nag-gambala sa lahat, at maging dahilan ito para paaalisin ka. Ilalagay mo ito sa inyong pagiisip:
Sa buong buhay mo at sa oras mo dito sa Awtoridad ay magiging madali kapag na-alala mo ito.
Ang Pagkawalang-Galang sa mga Mod: Kami ay mga boluntaryo, hindi kami binayaran para magtrabaho, kami ay nagkukura ng lista ng de-kalikad na mga nakakatakot. Kami ay hindi madaling magagalit sa pang-uyam o mga kalokohan, pero ang paguulit ng pagyayamot sa mga namamahala ay ma papaalis ng permanente.
- Sa Nasabi Na: Ang mga moderador at mga administrador ay pinayagan na magkaroon ng mga palagay pareho sa mga manunulat at mga miyembro ng site. Pinagpayuhan ka na hinde magpapakita ng masamang ugali sa kanila (o kung sino—hanapin ang unang utos), pero bilang miyembro pinayagan kang makipagtatalo kung gusto mo (basta ikaw ay magalang), sa mga mods o admins bilang sa kapasidad nila bilang miyembro. Hinde ka mapapaalis dahil hinde ka sumang-ayon sa isang namamahala.
Ang Pagyayamot: Ito ay pagtatandaan na ang RPC Authority at/o ang RPC Authority Philippines nagpapayag na magsasabi sa kanilang mga isip tukoy sa mga sari-saring topiko na walang takot na papa-alisin. Gayon man, may pagkakaiba sa pamamagitan na nagsasabi ang pagsasabi ng kanilang palagay at pag-gawain na magbibigay ng di-komportable sa isang miyembro. Ang pag-uulit o pagsadya ng pagyayamot sa mga miyembro ay hindi pagpaparayain. Ang pagyayamot ay maaaring nakalagay sa mga susunod:
- 1. Pagbabanta ng kaarasahan laban sa/mga miyembro.
- 2. Ang pagspam sa/mga miyembro gamit ng mga pag-uyam
- 3. Pagtama ng isang miyembro o grupo ng mga miyembro gamit ng mga hindi totoong mga paratang at pagyamot.
- 4. Ang pag-gawa ng hindi totoo na ebidensya para mapa-alis ang isang miyembro.
- 5. Pagyayamot o pagbabanta sa isang/mga miyembro ng pamilya ng isang miyembro.
- 6. Ang pagwawasak o pagsasalakay bilang grupo sa isang artikulo.
Pagsasalakay: Ang pagsalakay ay isang akto ng pagtatamaan ng isang artikulo o website na may hangarin para magsimula ng gulo, pagyamot, at/o ang papagalit ng isang miyembro ng wikidot o komunidad. Ang pagsasalakay ay ginawa sa paraan ng pagspam, pagbaba ng boto, o pagyayamot ng mga taong nakaugnay sa isang komunidad o artikulo. Kasama sa pinagsasabihan ang pagsalakay sa artikulo ng isang miyembro ng wikidot o komunidad ay higit ipinagbabawal at ito ay isang paglalabag para paalisin ang isang miyembro.
Namamahala/Moderador/Adminstrador: Ito ay isang miyembro ng namamahala ng may kapangyarihan. Sila ay makikita ng may naka-markang "Koreo ng Namamahala", "Koreo ng Moderador", "Koreo ng Administrador". Ang mga ito ay pangkalahatang pinaguusapan para mababasa ng mga miyembro, pero inabuloy ng sa namamahala.
- Pangmoderasyon na Koreo: Mga pangmoderasyon na koreo na may pinaglalagyan na titulo. Ang mga titulo na ito ay ginagamit para magpakita ng tinutukoy na tipo ng koreo, at kinakailangan lang sasagutin sa loob ng tiyak na sitwasyon.
* Utos na Maghinto - Huwag magsagot sa koreong ito. Kung ang isang namamahala ay nagpapahinto ng pinaguusapan, ito ay tapos na. Huwag subukan magsasabi ng pangwakas na salita; basta huminto lang.
* Sarado - Huwag magsagot sa koreong ito. Kapag ang namamahala ay nagkokoreo ng isang pahayag na hindi kinikailangan ng sagot.
* Bukas - Magsasagot dito kung gusto mo.
Pagsusulat: Kung nananabik ka sa pagsusulat ng isang artikulo para sa RPC Authority may mga tiyak na proseso na kailangan mong sasanayin. Ang proseso ng pagsusulat ay kinakailangan susundin para magpapaunlad ang iyong pamaraan ng pagsusulat at para iwasan ang pagkokoreo nang lamig ("coldposting"). Kung ang artikulo ay nakoreo ng lamig ito ay burahin.
- Ang Pagsisimula Mo: Sumali sa RPC Authority Sandbox. At i-click ang "Join" at pagkatapos i-type ang gusto mo na pangalan sa sandbox mo. i-click ang "create sandbox" at mag simula na magtatrabaho sa inyong pahina. Hindi mo na kailangang sumali sa sandbox, pero papayagan ka nito na subukan mo ang iyong pagpoporma (wikidot formatting) at magpapakita nang iyong artikulo sa iba ng madali. Bago magsimula nang gumawa ng iyong RPC, pumunta sa Gabay ng Mga Manunulat at ang Gabay ng Pagpoporma. Pagkatapos mong sinuri ang mga ito, handa ka nang sumulat.
- Magaspang na Draft: Pagkatapos mong nasulat ang inyong artikulo at masaya ka sa progreso nito, kokoreohin ito sa Draft Forums. Ang mga miyembro ay kinakailangan magpasa ng kanilang draft kapag tapos na nilang sinulat ang mga pangunahing bahagi ng kanilang mga artikulo. Lahat ng artikulo na ipinahayag sa opisyal na site at sa RPC PH site ay kailangan may dalawang na nagbibigay ng kritisismo sa loob ng draft stage, na naglalaman ng kahit limang puntos. Kung ang hakbang na ito ay hinde natatapos, ang artikulo ay burahin dahil sa pagkokoreo ng lamig. Sa punto na ito, lahat ng mga miyembro na nagbabasa sa draft ay puntuhin palabas ang kahit anong mali ang nakikita nila. Pagkatapos ka nang binigyan ng kritisismo sa loob ng mga forum ikaw ay inaasahan na kumalma at paglagyan ang nakakarami ng iyon sa loob ng artikulo. Kung hindi ka sumang-ayon sa kritisismo na binigay sa iyo, hindi na kinakailangan mapaglalagyan mo iyon, pero inaasahan ka na magtatanggap at maglagay ng kritisismo. Habang hindi kami nagpaparusa ng mga tao na nagbibigay ng maralitang kritisismo, ito ay bumalik ng malo sa karakter ng manunulat.
- Huling Draft: Pagkatapos na kumpleto ang Magaspang na Draft at ang pagkikilos sa ibabaw ng kritisismo ang artikulo ay inaasahang na karamihan o lahat ng kinalalagyan nito at iba pang natitirang mga isyu ay na-ayos na. Pinagtitibayan itong magbago ka ng iyong Magaspang na Draft sa loob ng forum at magbabalik isip sa mga pinagpalitan. Pagkatapos nito maaari kang humanap ng madaming kritisismo para mauunlad ang iyong pagsusulat.
- Pagpapahayag/Pagpapahayag ng Koreo: Bago mong ipahayag ang artikulo, pagbigyan mo na basahin mo muli ang artikulo. Kapag may kompiyansa ka sa artikulo mo at sumunod ka sa mga nahuling hakbang ay handa ka nang magkoreo nito. Kung magpapahayag ka ng RPC, hanapin ang numero na gusto mo sa loob ng pangunahing lista na hindi pa kinuha (naka marka na "ACCESS DENIED"). I-click ang numero na naguugnay at i-press ang "create page" para mabubukas ang editor. I-paste ang iyong artikulo sa espasyong binigay at i-edit ang title (Halimbawa: lalagyan mo ng RPC-1111). Siguraduhing na edit mo din ang rating module. ([[include component:rate title=rpc-Ang iyong numero]]). Pagkatapos mo na save ang iypng artikulo pumunta sa ilalim ng pinagpipilian mong numero. Isalin ang "ACCESS DENIED" sa isang orihinal na titulo na nagbibigay kahulugan sa iyong artikulo. Pagkatapos hanapin ang Gabay ng Pagmarka (tag) at i-edit ang tag sa ilalim ng iyong artikulo. Binabati kita! Ang artikulo mo ay opisyal na sa site. Kung nararamdaman mo na puwede mo pang maayos ang iyong artikulo, libre kang magsagawa ng mga edit. **Nota: Kapag ang iyong artikulo ay nananatili sa ilalim ng 2.7 na tala na may 6 na miyembro na nagreto nito, ito ay tanggalin
Pag-edit: Ang RPC Authority at RPC Authority Philippines ay isang wiki, ibig sabihin ang mga user ay pinagtitibayan na magsulat o magtulong sa site. Sa kapareho man, ang mga user ay pinayagang magayos sa site sa paraan ng pag-edit ng mga pahina na nandoon na, sa kalawakan lamang. Ang pag-edit ay binasag sa ibat-ibang rangko:
- Menor na mga edit: Bahagi dito ang menor na gramatiko, pagsasalita, o mga tuldok, o magdagdag ng tamang marka sa isang pahina. Ang batas ay: habang ang pagsasalin ay hindi sumasalin ng ibig-sabihin ng pangungusap, ito ay tama. Kung ang isang miyembro nagpaplano ng madaming menor na mga edit, siguraduhing ipapa-alam sa moderador/administrador at/o ang may akda, para maiwasan ng hindi makakaintindihan tukoy sa pagbabago.
Mahalaga din: Siguraduhing mo na alam mo ang pinag-editan mo. Huwag gawin ang pagpangit ng isang pangungusap sa paraan ng a) pagsalin ng mga kung ano dapat ang iyan, pareho ng pinaghangad na di-ayos na pagsasalita, ang estilo ng pagpoporma, o ang alternatibong pagsasalita (color/colour, analog/analogue, atbp.), o b) ang pagaayos na wala namang mali. Paalala: Sa kada edit ang iyong ginawa ay makikita ng lahat.
- Medyor na mga edit: Bahagi dito ang pagbabago ng talata, mga larawan, o ibang konsepto. Ang kinabibilangan ng mga pagbabago na ito ay dapat ay pinagtakbuhan sa orihinal na may akda kung maaari. Kung hindi makikita ang orihinal na may akda, tanungin ang moderador o administrador para bigyan ka ng pahintulot o payo.
Ang Dapat na Laman: Kahit anong larawan na nagpapakita ng totoong at pornograpikong laman, ay isang paglalabag na puwede kang paalisin dahil sa paglabag sa Wikidot's Terms of Service.
Ang pag-uugali ng loob-karakter: Ang RPC Authority ay hinde panglaro na wiki, ito ay isang site na dedikado para sa pagsusulat ng kathang-isip, huwag gumanap bilang isang karakter ng parang sa loob ka ng uniberso ng RPC Authority, usap ka ng maayos. Kung humahanap ka ng lugar para mag-ganap sa isang laro, nasa mali kang lugar.
Spam: Huwag magpadala ng bagong RPC kada dalawang minuto, at huwag mag-bump ng mga thread na iyong ginawa. Karagdagan dito, huwag koreo ng mga kontento na walang magsagot sa mga koreo ng forum. Sa madalong salita, huwag magpadala ng isang ideya ng sunod-sunod at hinde magkoreo ng walang kahulugan na mga bagay.
Paglarawan: Huwag magugnay ng mga materyales na hinde pinayagan sa site o mag-gawa ng nasasabing materyales bilang iyong nilalarawan. Karagdagan nito, huwag pangalanin ang iyong nilalarawan bilang isang karakter na nandoon na sa uniberso ng RPC Authority, makikita ito bilang paglalaro. Notahin ito na hindi ito nagsasabi na hindi ka puwedeng maglagay.ng titulo pareho ng "Doctor", "Professor", or "Privage" bilang pangalan ng iyong nilalarawan. Ang bagay na ito ay magiging problema ay ang pagpapangalan ang iyong sarili bilang isang karakter na nandoon na. Isang rekomendasyon namin ay sa loob ng pangalan ng iyong nilalarawan ay hindi pangalanin ang isang tauhan na sumusunod sa iyong username, maaari itong makita bilang paglalaro, na maaari magbibigay ng negatibo na pagtatanaw sa iyong mga mambabasa.
- Para sumali sa site, i-type sa loob ng na susunod na parirala sa loob ng tamang lokasyon sa Join Page: "Ako ay rumespeto sa mga namamahala at miyembro ng kumunidad." Ang iyong applikasyon ay dapat nagbibigay ng eksplenasyon kung bakit mo gustong sumali sa site. Sa pangkalahatan ng inyong aplikasyon ito ay dapat nasa tamang baralira na may wastong tuldok at pananalita. Kung ang aplikasyon ay walang kasalinb impormasyon at sa itaas ng parilara, ito ay awtomatikong itatuwa.
Para sa kumpletong lista para sa mga bagay na dapat o di-dapat gawin sa site, basahin angSite Rules.
Payo para sa mga Miyembro
Habang pinagtalakay natin ang mga bagay na dapat gawin at dapat hindi gawin, gastusin muna natin ang oras para sa mga bagay na dapat mong gawin at hinde mong gawin.
- Umiwan ng Pinakamabuluhang mga Komento: Ito ay malaki. Ang pagsasabi lamang ng parirala sa isang may akda na "yung ideya mo ay pangit" o "maganda ito" ay hindi gumagawa ng malaki. Puwede kang sumabi ng ganyan, pero kung nagawa mo na iyon ng madaming beses na "Gusto ko yan! o "Walang kuwenta to", ang lahat dito ay mayayamot. Ito ang mga payo para sa iyo para malalagay mo ito sa iyong pagiisip kapag umiwan ka ng komento sa isang artikulo:
* Bakit maganda/pangit ito? (Hinde nila maayos ito kung hindi nila malalaman kung ano.)
* Ano ang magagawa nila para maayos nila ito?
* Magtatanong ng mga tanong na nagbibigay ng may akda ng alternatibong ideya o perspektibo tukoy sa artikulo. Magtatanong ng mga tanong na nagbibigay pagiisip para sa isang sagot, maaaring magbibigay ito sa kanila ng ibang punto para maayos ang kanilang.artikulo.
* Bakit hindi mo ginusto/bakit gusto mo?
Hindi kami nangangailangan na magsulat ka ng isang ulat sa kada artikulo, pero ang karagdagan mga punto ay nagtutulong para maayos ang paligid ng komunidad
- Huwag magmamadali ng magkontribusyon: Malaki na naman ito. Ang mga baguhan ay laging napaiisip na dahil nakasali sila sa isang site na may pagtutulungan sa pagsusulat, kailangan nilang magpahayag ng kahit na ano para magmumukhang sila matalino o kaya magmumukhang tuwiran. Hindi ito ang kaso. Sa buod, ang pagsusulat ng de-kaledad ay makakamit sa loob ng mahabang panahon. Ang sumusubok ng pagpapahayag ng kahit ano ng pabilisan na hanggat kaya para magmumukhang na magaling na miyembro ng komunidad ay mapupunta sa pagpapasa nang hinde na magandang artikulo na pupunta lamang sa mababang boto. Pulpol man ang mga chat op sa paningin ninyo, lahit kami'y ay laging diyan para sa iyo para matutulungan kang makagawa ng makabago, pambihira at mga nakakawili-wili. Ito ay nagbabalik sa atin sa pinakasentrong punto ay ang bigyan ang sarili mo ng oras. Hindi kami magaalis.
- Subukan gumamit ng makabagong.konsepto: Habang ito sa paningin mo ay ang sentro ng pansin ng site ay ang mga artikulo na RPC, madami dito para sa iyo para magkontribusyon. Meron kaming mga mangguguhit, nagkukuwento, at mga mangguguhit ng mga grapiko, lahat na nagkokontribusyon sa site. Ang mga tao ay sumusulat ng mga kuwento tungkol sa sansinukban ng Awtoridad nageksplorasyon sa konsepto sa likod ng ibat-ibang RPC. Yung mga iba ay tumutulong sa pamamagitan ng pagguhit ng mga arte, at mga larawan, hanggang sa pagdidisenyo ng mga animasyon. Maraming bagay ang puwede magawa bilang kontribusyon, kaysa paggawa lang ng isang artikulo na RPC. Subukan mo ang mga ideya mo at ipahayag! Magugustuhan naming makikita iyon.
- Bumasa ng mga Artikulo: Bago muna magkritiko ng mga RPC, basahin ang mga artikulo at mga pinaguugnay para maiintindihan mo ang sansinukban ng RPC. Ang pag-gawa ng basehan ng kaalaman ay nagtutulong para mabibigyan ang inyong artikulo ng magandang pagkakataon na tanggapin sa loob ng site. Ang pagkuha ng madaming kaalaman ay isang bagay na hindi nabubuhay.
- Paggalang: Hinde mo na kailangang magiging lodi sa loob ng site, at ang pagsusubok nito ay magreresulta ng kakaibang pagtingin. Basta maging kung sino ka at hayaan mo ang pag-agos ng paligid mo na mag gabay sa inyong mga pagpilian
Basahin ang Gabay na Pagkritisismo para sa karagdagang impormasyon sa pagbibigay ng kritiko.
Kung may mga tanong, pumunta lang sa Pahina ng mga Namamahala.