Pangkalahatang-Ideya
Ang Authority security classifications, o security clearances, ay ang katayuan na itinalaga sa tauhan na nagpapahintulot para makakuha ng pinag-uri-uri o sensitibong impormasyon, kasama sa mga lugar ng Awtoridad na karaniwang nakasara sa mga karaniwang tauhan. Ang Clearance ay karaniwang limitado- most people can't access everything, pero ang impormasyon na may kaugnayan sa kanilang kasalukuyang proyekto. Sa ibang salita, ang clerance ay ginagawang pormal ang mga impormasyon na "kailangan mong malaman" para magawa mo ang inyong trabaho.
Ang Security Clearance ay sa kabuuhang hiwalay sa isang rangho at posisyon- ang malinaw sa bawat tao at nakadepende sa aktuwal na dapat nilang gawin. Isang halimbawa, ang administrator ng isang Site ay maaaring mababa ang access sa isang RPC kumpara sa isang Junior Researcher, dahil ano ang kinakailangan ang isang administrator sa isang anomalya?
Clearance Ratings
Ang Individual Ratings para sa clearance sa loob ng Awtoridad ay karaniwang sinusunod ng pamantayan na numero at letra na pormat (1R, 2P, 3C, 4A), na ang numero ay naitalaga ang clearance level (0-5, nakikita ito sa ibaba), at ang letra na itinatalaga ang Branch Code. Ang hindi kasama sa regulasyon na ito ay ang mga may anta na 0 at 5 na tauhan, na hindi na sumusunod sa Branch Code System
Ang bawat isang Branch Dose ay nagpapakita ng kaninong dibisyon ng Awtoridad na naitalaga ang isang tauhan, ang R para sa Research, P para sa Protection, at C para sa Containment. Bukod pa rito, A para sa Affiliate, naitalaga sa miyembro ng kakampi o apilyadong Grupo o Gobyerno ng Interes na nangangailangan ng limitado at pansamantalang clearance para sa liason o information exchange work.
The Affiliate Branch Code
[[include component:image-enlarge name= http://rpcauthority.wdfiles.com/local--files/security-clearance-levels/One.png|width=340px|caption= Sample of Affiliate Branch Card]]
Ang Affiliate personnel ay itinuturing nasa labas ng dibisyonal na istraktura ng Awtoridad, kahit kasama sila sa trabaho ng partukular na proyekto ng isang dibisyon o operasyon. At sa wakas, tumanggap sila ang dalubhasang Branch Code. Ang Branch A ay palaging akting, na tumatagal ng ilang linggo o buwan na depende sa apilyadong tauhan, at kinakailangan na ma-renew para mapanatili ng seguridad ng impormasyon.
Ang apilyadong tauhan ay kahit minsan, di binibigyan ng level 5 clearance at ipinagkaloob lang ng mahigpit na level 4 sa anumang sitwasyon
Level 0
Ang Level 0 security clearance ay ang di-pormal na pagtatalaga sa di-mahalagang tauhan, lalo na sas Confined Subject (Disposable) sacrificial personnel (CSD-01234), test subjects, o contractors, na hindi nangangailangan ng access ng impormsyong na nakaugnay sa Awtoridad o ang kanilang ari-arian. Ang pag-access ng sensitibong impormasyon ng Awtoridad ay limitado at bahagyang impormasyon para ang level 0 na tauhan ay makagawa ang kanyang pangaraw-araw na gawain.
Ang Level 0 na tauhan ay palaging hindi binibigyan ng Branch Code maliban kung ang kanilang trabaho ay nanggaling sa isang dibisyon ng Awtoridad. Tulad ng isang konstruksyon na tauhan ay nasa ilalim ng Containment Division supervision ay maaaring mabigyan ng 0C clearance
Level 1
Ang Level 1 security clearance ay naitalaga sa nagtratrabaho na malapit pero walang direktang kontak sa mga RPC. Ang Level 1 na tauhan ay pwede , na may awtorisasyon, makatulong sa research at containment sa Alpha, Neutralized at Theta-level na anomalya. Limitado ang impormasyon na pwede nilang malaman kapag mas-mataas ang Containment Rating ang isang bagay, at sa pag-access sa mga support facilities na nangangailangan upang mapanatili ang containment o security procedures
Ang tauhan na may Level 1 clearance ay karamihang bagong empleyado na Research Support o sa mga ibang dibisyon na nag-tratrabaho bilang tagalinis, logistik, o administratibong posisyon.
Level 2
Level 2 security clearance ay karaniwang itinatalaga sa mga seguridad at mga tauhan sa pananaliksik na nangangailangan na direktang access sa detalyadong impormasyon tungkol sa anomalya na naka-contain. Ang Level 2 na tauhan ay karamihang tauhan sa seguridad, pananaliksik, field agents, at containment specialist.
Level 3
Ang Level 3 security clearance ay isang senior access level na ibinibigay sa mga tauhan na nangangailangan ng direktang access sa mga anomalya, at sa mas-malalim na impormasyon tungkol sa background, kalagayan at long-term contingency planning na nakapalibot sa anomalya. Ang mga tauhan na may Level 3 clearance ay karamihang tauhang administratibo, senior research staff, senior security staff at Mobile Specialized Team Operators.
Level 4
[[include component:image-enlarge name= http://rpcauthority.wdfiles.com/local--files/security-clearance-levels/Maximum-Level-One.png|width=340px|caption= Sample of Security Cards
(Hover to Expand)]]
Ang Level 4 security clearance ay ibinibigay sa mga senior administrative officials na nangangailangan ng access sa operational data ng Rehiyonal at Site operations, kasama ang strategic intelligence tungkol sa operasyon ng Awtoridad at research projects. Ang tauhan na may Level 4 clearance ay karaniwang ibinibigay sa high-level leadership positions tulad ng Regional Directors, Site Directors, Department Heads, o Mobile Specialized Team Commander.
Level 5
Ang Level 5 security clearance ay ibinibigay lamang sa pinaka-mataas na ranggo na tauhang administratibo at nagbibigay ng di-limitadong access sa lahat ng impormasyon ng Awtoridad at restrictive access. Ang mga tauhan ng may Level 5 clearance ay para lamang sa mga Global Directors o ibang global-level operations at tauhang administratibo.
Administrative Personnel
Ang Awtoridad ay nagpapanatili ng hierarchial staffing structure para pangasiwaan ng impormasyon, pangaraw-araw na gawaing. at ang maintenance ng chain of command sa mga panahon ng sakunang pagtakas ng anomalya o security breaches. Habang ang Tauhang Administratibo ay naitalaga ng Branch Code bilang parte ng kanilang individual security rating, ang kanilang tungkulin ay karaniwang mas-malawak kaysa sa isang Dibisyon.
Head Researcher
Ang Head Researcher ay ang namumuno sa tiyak na subdibisyon o opisina (Bio-science, Mediacal, atbp) sa loob ng Site. Ang kanilang tungkulin ay sa pagtatag ng mga layunin at polisiya sa loob ng kanilang trabaho, pangapruba ng containment protocol, at koordinasyon sa ibang subdibisyon at/o ibang departamento. Ang Head Researcher ay karaniwang naitalaga sa pagkita ng malapit na OL-Sites bilang parte ng kanilang trabaho.
Department Director
Ang Department Director ay ang namumuno sa pag-direkta ng mga layunin, polisiya at responsibilidad ng isang departamento sa loob ng Site, tulad ng Security, Research, Medikal, Teknikal at Engineering, atbp. Ang Department director ay karaniwang itinataas sa Level 4 clearance, at ang naitalagang Branch Code tungkol sa anong dibisyon na sila ay namumuno. Ang Department Director sa isang Site ay bumubuo ng Site Management Team, na sumasagot sa at nag bibigay ng payo sa Site Director
Site Director/Area Director
Ang Site Director/ Area Director ay ang pinakamataas ng ranggo ng tauhan sa bawat isang pasilidad ng Awtoridad at sila ang may pananagutan para pagtuloy at seguridad ng pasilidad, at ang lahat ng ari-arian, proyekto, at naka-contain na anomalya. Ang Site Director ay karaniwang di pinapayagan na maging kasangkot sa reasearch, containment o proteksyon na trabaho sa RPC na bagay at di-nakakulong na anomalya para maiwasan ang pagkompromiso ng sensitibong impormasyon tungkol sa seguridad.
Ang mga Area Director ay may pananagutan sa mga pasilidad ng Awtoridad na hindi nagkukulong ng anomalya, tulad ng Observation Facilities, Reasearch Facitlities, Garrisoned MST Facilities, Protected Facilities at marami pang iba.
Parehong Site Director at Area Director ay may awtoridad sa patatayo ng bagong OL-sites o semi-permanent na pasilidad ng Awtoridad sa aprubal ng Regional Director. Ang tauhan na nasa ranggo ay mapapnatili ang Branch Code ng dati nilang dibisyon bilang pormalidad. Lahat ng Site at Area Director sa loob ng isang rehiyon ng Awtoridad ay nasa pangangasiwa ng Regional Management Team, na nagbabalita sa Regional Director.
Regional Director
Ang Regional Director ay ang pinaka-mataas ng ranggo ng tauhan sa bawat rehiyon o kontinente na kontrolado ng Awtoridad. Ang Regional Director ay nagmumuno sa koordinasyon sa malaking lawak na Research, Protection at Containment na operasyon, pagapruba ng pagtatayo ng bagong Site kung nangangailangan, at humirang ng Site at Area Directors. Matatagpuan lang sila sa mga eksklusibong Regional Sites o Areas, na nagtatakbo bilang pangkomunikasyon, logistik at managerial hubs para sa kanilang trabaho. Ipinagbabawal ang kontak ng anomalya ang mga Regional Directors dahil sa sansitib na trabaho na ang kanilang ginagawa at ibalita sa mga Global Directors
Global Director
Ang Global Director ay tumutukoy sa administratibo na naglalaman ng matataas na ranggong opisyal ng Awtoridad. Na may kumpletong jurisdiksyon at access sa lahat ng sensitibong impormasyon sa loob ng Awtoridad, ang Global Director ay ang namumuno sa lahat ng operational duties ng Awtoridad sa buong mundo. Gayunpaman, dahil sa kanilang sensitibong trabaho, ang pagkakakilanlan, operation structure, at selection process ng mga Directors ay klasipikado, at direktang personal na kontak ng Global Director at Regional-level staff ay iilan lang.